September 19, 2008
TRANSCRIPT OF INTERVIEW
IN DOS POR DOS WITH ANTHONY TABERNA & JERRY BAJA WITH SENATE
PRESIDENT MANNY VILLAR
Kumusta pa po kayo?
Villar: Okey naman
Sabi nga ng iba kayo iyong Mr. Cool, dati maski inaatake,
cool pa din pero noong nag-presscon kayo, high blood daw ho kayo?
Okey na ho ba kayo ngayon?
Villar: Oo normal na. Once lang nangyari yun. Paminsan-minsan
nagkakaroon ng ganyan. Kasi iyong corruption ay isang isyu na matindi.
Buong buhay ko naman wala naman akong kinuha na pera ng gobyerno
at wala akong balak na gawin iyan.
Tama ba iyong sinasabi ninyo na walang double funding?
Villar: Wala talaga. Dalawang proyekto ito. Itong C5 project
ay isang napakalaking project na magkokonekta sa Cavite sa Parañaque
at Las Piñas sa ibang parte ng Metro Manila. Kaming mga nakatira
sa south ng Metro Manila, malaking bagay sa amin na ito ay matapos
na. Nangangarap din kaming mga taga-rito na sana ay matapos na ang
proyektong ito.
Sabi niyo ay nangangarap kaming mga taga-rito. Ang ibig
sabihin po ay isa kayo sa makikinabang sa kalsadang iyan?
Villar: Oo naman, siyempre taga southern Metro Manila ako,
kaya kasama ako sa 3 milyong mga kababayan namin dito na makikinabang
directly at indirectly, 11 milyon ang makikinabang na mga motorista
at mga taong makakapunta naman sa aming lugar.
Tinanong po namin si Sen. Pimentel kung ano ang tamang daan
papunta sa pagtatapos ng problemang ito at sabi ho niya ay Finance
Committee, yun ang magsagawa ng imbestigasyon.
Villar: Oo naman. Last week pa namin ito ni-refer sa Finance
Committee, Kami naman ay open na tingnan iyan. Walang nadoble diyan
dahil dalawang proyekto iyan. Iyan nga ay hindi na-release. Kung
mare-release naman iyan, sa DPWH ang tuloy niyan. Wala kaming kinalaman.
Paano po yun, sinabi na ni Sec. Andaya na di nila ire-release
yung P200M?
Villar: Yun nga ang masakit diyan. Gusto ko nga ring malaman
kung ano ang nangyari diyan. Yung pagkakadoble niyan. Di naman kami
ang nagpi-print ng budget at di rin ako sa bicam. Yun ang masakit
diyan. Mababalam pa ang proyekto na iyan. Even assuming na doble
iyan, hindi naman talaga papayagang DBM na mag-release ng pondo.
Dito po sa proyektong ito na sabi po ninyo ay karugtong
o pangalawang proyekto na may pondong P200M, hihilingin niyo po
ba sa Malakanyang na i-release ito?
Villar: Sa ngayon, parang ayoko na munang maki-ano ngayon.
Sinasabi ko nga sa mga taga Cavite , Parañaque at Las Piñas,
sila naman ang mag-follow up dito kung gusto nilang matapos ito
dahil marami nang problema ang Senado, baka makadagdag pa.
Bibitawan niyo po muna dahil napapaso kayo, ganoon po ba?
Villar: Kasi inaakusahan tayo ng hindi maganda. Kagaya
ngayon, mayroong meltdown ang ekonomiya sa labas ng bansa, ako ay
nahihiya na nagbabangayan pa kami na ang dapat gawin ng Pilipinas
ay maghanda sa posibilidad na tayo ay maapektuhan nitong global
meltdown.
Sa Lunes po, ano po ang inaasahan ninyong mangyayari sa
Senado?
Villar: Hindi ko po alam kung ano ang mangyayari. Pero
kami ay tuloy lang ang trabaho dahil malapit na uli kami mag-adjourn.
May mga pending pang panukala sa Senado tulad ng renewable energy,
JPEPA, budget, marami pa kaming hahabulin. Gusto ko ring maghanda
sa maaaring maging epekto nitong meltdown sa buong mundo.
Paano niyo po gustong matapos itong sagutan niyong ito ng
kampo ni Sen. Lacson?
Villar: Na-refer na iyan sa komite, sana ay magtrabaho
na kasi nakakahiya na rin sa ating mga kababayan. Hindi ako nakikipag-away.
Walang anomalya dito, hindi ako magkakapera dito at wala akong kasalanan.
Siguro ay sapat na iyon at kami sana ay magtatrabaho na lahat.
|